Seguridad sa palibot ng Batasan Pambansa, mas pinaigting pa

Bantay-sarado na ang mga personnel ng Philippine National Police sa paligid ng Batasan Pambansa complex para sa pag-uumpisa ng bilangan ng presidential at vice presidential votes ngayong hapon.

Naka-deploy na ang mga tropa ng PNP para masigurong magiging mapayapa ang canvassing ng NBOC, pati na rin ang pagbabantay sa mga magki-kilos protesta sa labas ng Kamara.

Nakahanda na rin ang mga trak ng bumbero na gagamitin sa pag-disperse ng mga raliyista sakali mang pumasok ito sa mga restricted areas.

Matatandaang nagbabala na si PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao sa mga magbabalak na pumasok sa mga ipinagbabawal na lugar na kaagad itong bubuwagin at paaalisin.

Paalala nito, mahigpit na ipagbabawal ang pagtunton sa mga canvassing area at iba pang restricted areas sa Batasan Pambansa.

Bago ito, una nang umapela sa mga raliyista si PNP Directorate for Operations at deputy commander ng Special Task Force Elections Maj Gen Valeriano de Leon, na panatiliin ang kapayapaan sa mga idaraos nitong demonstrasyon.

Pinaalalahanan din nito ang mga makikilahok sa mga kilos-protesta na sana raw ay mayroon itong mga permit bago mag-rally.

Sa huli, inabisuhan nito ang kanilang mga tauhan na magpatupad ng maximum tolerance at iwasan ang karahasan lalo na sa dispersion ng mga raliyista.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *