Monetary reward para sa SEA games medalists, posibleng madagdagan – PSC

Posibleng madagdagan ang cash reward na makukuha ng mga medalists sa katatapos pa lamang na 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at Team Philippines chef de mission Ramon Fernandez isinumite na niya kay Senate Committee on Sports Sen. Christopher Bong Go ang complete lineup ng mga Pinoy na nag-uwi ng medalya sa SEA games.

Sinabi ni Fernandez na noong nakaraang SEA Games ay naglabas ng karagdagang cash bonuses si Pangulong Duterte kaya hindi malayong may surpresa ulit ito sa mga medalists ngayong taon.

Magugunitang batay sa official medal tally nakuha ng Pilipinas ang ika-apat na pwesto sa over-all ranking matapos humakot ng 51 gold, 71 silver at 106 bronze medals.

Alinsunod sa Republic Act No. 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang sinumang atleta na makakakuha ng ginto sa SEA Games ay bibigyan ng reward na P300,000, ang silver medalist ay makakuha ng P150,000 at P60,000 naman para sa bronze medalist.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *