Sen. Go suportado ang panukalang bigyan ng incentives ang mga ‘fully vaccinated’ kontra COVID-19

Suportado ni Senador Christopher Bong Go ang panukalang bigyan ng incentives ang mga fully vaccinated individuals.

Sa isang panayam matapos ang pagpapasinaya sa 143rd Malasakit Center sa Doña Maria D. Tan Memorial Hospital sa Tangub City, Misamis Occidental, aminado si Go na wala pang batas para sa mandatory COVID-19 vaccination.

Dahil walang batas kailangan umanong bigyan ng incentives ang mga naka-kumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 upang maka-engganyo pa ng mas maraming Pilipino na magpaturok.

Kabilang na dito ayon kay Go ang mas maluwag na restrictions, kung saan makakalabas , makakalaro , at makakain sila kapag bakunado na.

Sinabi naman ng senador na natutuwa siya dahil maraming mga Pilipino na ngayon ang gustong magpabakuna kumpara noon kung saan karamihan ay takot sa COVID-19 vaccines.

“Libre naman po ito, sa gobyerno po ito, para ito sa mga kababayan nating Pilipino. Magtiwala ho kayo sa gobyerno, magtiwala ho kayo sa bakuna. Huwag ho kayong matakot sa bakuna,” dagdag pa ng senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *