SP Albay may nirereview pang kasong administratibo vs ilang lokal na opisyal

BICOL—Kinumpirma ni Board Member Victor Ziga Jr na mayroon pa silang nirereview na kasong adminisratibo laban sa ilang lokal na opisyal sa lalawigan ng Albay.

Dalawa ang nadesisyunan na ng konseho kabilang ang kaso ng alkalde sa bayan ng Polangui at kaso ng isa pang lokal na opisyal sa bayan ng Tiwi.

Base sa desisyon, dismissed ang tatlong kaso sa bayan ng Polangui habang guilty naman sa kasong simple misconduct ang opisyal sa bayan ng Tiwi. Dahil dito, mahaharap ang naturang lokal na opisyal sa 15 araw na suspension without pay at mas mabigat ang parusa sakaling maulit ang parehong paglabag.

Hindi na nagbigay pa ng dagdag na detalye si Ziga hinggil sa mga naturang kaso at makakabuting magbase na lamang umano sa kopya ng kanilang naging desisyon.

Maliban sa dalawang nadesisyunan na, mayroon pa umano silang pinag-aaralan ngayon at ito ay ang kaso naman ng isang lokal na opisyal sa bayan ng Oas. Hinggil umano ito sa kasong administratibo, gross misconduct at graft sangkot ang P12 million na pondo.

Sa ngayon ay nakasalang pa ito sa review matapos maantala dahil sa pag lockdown sa ilang tanggapan sa kapitolyo dulot ng COVID-19.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *