CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng mataas na bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte kahapon
Sa ulat ng DOH Bicol kahapon, 42 mga pasyente ang gumaling sa sakit
Ang lalawigan ng Camarines Norte ay nakakapagtala na ng nasa 142 recoveries sa loob ng 6 na araw dahilan upang umakyat na sa 1,842 ang kabuuang bilang nito
Nagbunsod rin ito ng pagbaba ng aktibong kaso ng sakit sa lalawigan sa 1,018 sa kabila ng naitalang 16 na bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan kahapon
Ang mga bagong kaso ay naitala sa mga bayan ng Daet na may 5 at 3 ang naitala mula sa Paracale habang may tig-da-dalawang kaso naman ang bayan ng Basud, Jose Panganiban, Talisay at Vinzons
Sa kasalukuyan mayroon ng 2,959 total cases at 99 total death case ang Camarines Norte