Sen. Go tiniyak na patuloy na isusulong ang sports development sa bansa

Tiniyak ni Senador Christopher Bong Go na patuloy nitong isusulong ang sports development sa bansa.

Kagabi bilang pagpapakita ng pagkakaisa at suporta, pinanood ni Go, kasama ang mga kapwa senador, ang laban ng Gilas Pilipinas kontra sa Saudi Arabia sa FIBA ​​World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Ayon kay Go na bilang Chairman ng Senate Committee on Sports, buong pagmamalaki at karangalan niyang ipinapahayag ang taos-pusong pasasalamat at pagbati sa bawat miyembro ng Gilas Pilipinas para sa kanilang hindi natitinag na debosyon sa bansa sa pamamagitan ng kanilang kapuri-puring pagganap sa harap ng mga pinoy fans.

Nabatid na inihain ni Go kasama ang iba pang mga senador,ang Senate Resolution No. 83 na humihimok sa Committee on Sports na magsagawa ng inquiry na layong makabuo ng batas na maaring makatulong sa Philippine national basketball team sa mga darating na internasyonal na kompetisyon at tingnan ang mga paghahandang ginagawa ng mga kinauukulang tanggapan at ahensya para sa pagho-host ng Pilipinas sa 2023 FIBA ​​World Cup.

Nilinaw naman ni Go na ang senate inquiry ay sesentro upang suriin ang mga kaugnay na batas at patakaran upang matiyak ang pinakamagandang performance sa mga darating na international sports competition at upang higit pang maprotektahan ang kapakanan ng mga atletang Pilipino.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *