CNPPO binigyang parangal sa isinagawang 121st Police Service Anniversary

CAMARINES NORTE- Nakatanggap ng dalawang parangal ang Camarines Norte Police Provincial office sa pagdiriwang ng 121ST Police Service Anniversary kahapon na ginanap sa Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City.

Ang nasabing pagdiriwang na may temang “Matibay na Ugnayan ng Pulisya at Mamamayan, tungo sa Pagkakaisa, Kapayapaan at Kaunlaran” at sa pamamagitan nito ay ginawara ng  mga parangal bilang pagkilala ang mga ipinakitang katangi-tanging kagalingan ng mga kapulisan sa Rehiyong Bikol.

Kinilala at ginawaran ng parangal ang Camarines Norte PPO bilang Best Police Provincial Office sa buong rehiyon habang nakatanggap rin ng Special Award to COVID-19 PNP Frontliner si PLTCOL ROGELYN C PERATERO, Chief PCAD ng CNPPO.

Sa binigay na mensahe ni PLTCOL EUSEBIO ARTURO E ESTOPARE, tiniyak nito na mas paiigtingin pa ng Pulis Bantayog ang mga operasyon at mga nasimulang programa dito sa buong lalawigan para sa mapayapa, maayos at maunlad na pamayanan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *