Senado, nakapagpasa ng halos 30 na batas sa unang quarter ng taon

Lumabas sa datos na nakapagpasa ang Senado ng dalawampu’t siyam na batas sa naging produktibo nitong sesyon sa loob ng unang quarter ng taon.

Kung saan, walo mula sa mga ito ay panukalang batas na inihain mismo ng mga senador tulad ng Senate Bill No. 2534 o P100 Daily Wage Increase Act of 2023 at Senate Bill No. 2492 o Philippine Maritime Zones Act.

Samantala, ang ilan naman sa mga ito ay adopted resolutions, adopted concurrent resolutions at maging mga panukala mula sa Kongreso.

Maalala, ayon sa mga senador, agad silang magsisibalik sa kanilang trabaho pagkatapos ng Holy Week break.

Ito ay upang matalakay o maipagpatuloy ang pagdinig sa ilang isyu tulad ng pagtatayo ng resort sa mismong ilalim ng Chocolate hills, pag-amyenda sa economic provision ng Konstitusyon at maging pagtantiya kung bubuksan pa ang pagdinig kay dating Negros Oriental Representative Arnie Teves Jr..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *