Senado, niratipikahan na ang bicam report kaugnay sa BFP modernization bill na principally authored ni Sen. Bong Go

Pinasalamatan ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang mga kasamahan sa Senado para sa pagsuporta sa kanyang Senate Bill No. 1832 na nag-uutos sa Bureau of Fire Protection na bumuo at magpatupad ng fire protection modernization program, at ng House counterpart, na House Bill No. 7406.

Kabilang dito ay ang pagbili ng modernong fire equipment, expansion ng BFP’s manpower, at ang provision ng specialized training para sa mga bombero at iba pa. Kaugnay nito, pinuri ni Go si Senator at Chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Ronald dela Rosa sa pag-sponsor sa panukala, maging ang iba pang senador na sumuporta sa ratipikasyon ng bicameral conference committee report sa sesyon ng Senado noong August 4.

“As the principal author of the bill, I just want to thank our colleagues for supporting the BFP Modernization Bill. This is one of the priority bills I filed in my first month as Senator,” saad ni Go.

Nababahala ang senador sa kalagayan ng mga Pilipinos na nawalan ng tirahan dahil sa mga sunog at ipinaliwanag na dapat isulong ng pamahalaan at lalong mag-invest sa modernization at capacity enhancement efforts ng fire bureau.

“Importante po na mabigyan ng suporta ang modernization ng ating Bureau of Fire Protection dahil napaka-importante ng tungkulin na ginagampanan nila upang makapagligtas ng buhay,” paliwang ni Go.

“Halos linggo-linggo po akong bumababa sa mga nasusunugan. Nakikita ko po ang hirap ng ating mga kababayang nasunugan. Kahit isang bahay lang po ang masunog, damay po pati ang kapitbahay. Maraming pamilya ang apektado. Kaya po dapat lang na palakasin ang kapasidad ng BFP sa pagresponde sa sunog,” dagdag nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *