Senador Go – nagpasalamat sa ‘overwhelming’ na ratings mula sa isang survey

Ipinahayag ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nagtiwala sa kanya matapos makatanggap ng positibong feedback sa naganap na PAHAYAG 2023 survey ng PUBLiCUS Asia, Inc..

Ayon kay Go, hinding-hindi siya titigil sa pagbibigay ng tulong sa abot ng kanyang makakaya para sa mga Pilipino.

Hindi rin nakalimot ang senador na magpasalamat sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng taumbayan para maglingkod sa publiko.

Dagdag pa ni Go, hindi niya sasayangin ang oras at oportunidad na ito upang pagserbisyuhan ang kanyang kapwa Pilipino.

Mababatid na parehong nakakuha ng 39 porsyentong suporta sina Go at Senadora Imelda “Imee” Marcos na siya namang nasa ikaapat at ikalimang pwesto.

Ito naman ang nagpatatag ng kanilang posisyon bilang mabibigat na kalaban sa darating na halalan sa 2025.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *