Senador, hinamon ang vlogger na si Maharlika na humarap sa pagdinig sa PDEA leak

Handa umano ang komite ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, Chairperson, Senador Ronald Bato Dela Rosa na sagutin ang transportasyon ng vlogger na si Maharlika.

Ito ay upang makaharap lang siya sa susunod na pagdinig ng komite ni Dela Rosa hinggil sa Philippine Drug Enforcement Agency ( PDEA) leak na may kaugnayan sa drug case issue laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Ayon kay Dela Rosa, hindi niya hahayaang dumalo si Maharlika virtually o online dahil hindi umano niya ito mako-contempt kung sakaling magsinungaling ito.

Samantala, mariin naman niyang pinabulaanan ang di umano’y sinabi ni Maharlika na binayaran siya ni First Lady Liza Araneta Marcos tungkol sa isyung ito.

Maalala, ayon sa nag-leak o kumalat na confidential paper ng PDEA, makikita ang pangalan ng pangulo bilang target ng operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *