Sentineling program sa Koronadal, ipatutupad na ngayong linggo

KORONADAL CITY – IPATUTUPAD na ngayong linggo ng Koronadal City Veterinary Office ang Sentineling Program upang matukoy ang estado ng African Swine Fever o ASF.

Nasa 81 umano na mga baboy ang natakdang ipamamahagi ng lokal na pamahalaan at ng Department of Agriculture o DA-12 mula sa 51 na mga benepisyaryo.

Partikular na makatatanggap na mga barangay ay kinabibilangan ng Namnama, Rontonda at San Jose na lubos na naapektuhan ng nasabing mikrobyo noong nakaraang taon. Kasabay ng aktibidad na ito, ipapamahagi rin umano ang mapanalunan ng mga partisipante sa raffle draw ng orientations kaugnay sa biosecurity.

Inihayag ni Veterinarian IV Dr. Paul Aloot na ang mga idik ang isasailalim sa blood sampling sa loob ng 40 araw. Sa oras na negatibo ang resulta nito, magiging basehan ito upang mailipat sa yellow zone ang lungsod mula sa pink zone. Una ng inihayag ni City Veterinarian Dr. Charlemagne S. Calo na marami pang pagdadaanan ang lungsod bago makamit ang green zone o itinuturing na ASF free.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *