Shoplifting at pagnanakaw sa mga malls sa Naga City ilan sa mga krimen na nagagawa at kasong kinakaharap ng mga menor de edad

NAGA CITY – Ang Naga City Children’s Home ang pansamantalang nagiging bahay ng mga batang kinokonsiderang nasa “children in conflict with law” na sa murang gulang nila ay nakakagawa na ng criminal offense.

Sila iyong mga batang nasa 17 hanggang 15 taong gulang na may kaso ng pagnanakaw tulad ng theft o maging robbery o kaya naman shoplifting sa mga malls sa lungsod.

Sa paliwanag ni Eden San Andres, social worker ng City Social Welfare and Development Office, sa kanilang opisina na dinadala ng mga pulis ang mga menor na ito na nakaharap sa ganitong klaseng kaso. Violations against property ang mayoriyang kasong kinakaharap.  Ang due process ay nasusunod batay sa batas na para sa kanila.

Nabanggit pa niya na may iba pang mga bata na sangkot sa illegal drugs, pagdadala ng patalim at iba pang mga street crimes, subalit hindi pa puwedeng kasuhan kaya may mga intervention silang ginagawa sa mga ito. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *