Social housing and Finance Corp at City of San Fernando LGU, nag pulong hinggil sa programang pabahay

Nag pulong kahapon sina City of San Fernando Mayor Vilma Caluag at mga taga Social Housing and Finance Corporation o SHF, para pag usapan ang tungkol sa programang pabahay ni Pangulong Bongbong Marcos na Pabahay Para sa Pilipino Program o 4PH Program.

Isa kasi ang City of San Fernando sa magiging benepisyaryo ng naturang programa.

Layon nitong makapag bigay ng mura at magandang pabahay.

Samantala dumalo rin sa pulong sina Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD Region 3 Director Julius Ervin Enciso, at si National Telecommunications Commission o NTC Regional Director, Azor Sitchon at si City Local Housing and Settlement Division Chief Jess Nuqui.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *