SOCOTECO 1, may bawas singil sa kuryente

KORONADAL CITY- MAGPAPATUPAD ng bawas singil sa kuryente ang South Cotabato Electric Cooperative o SOCOTECO 1 sa susunod na billing.

Ito ang inihayag ni SOCOTECO 1 Finance Manager Francis Ian Fedoc.

Ayon kay Fedoc na nasa 33 centavos per kilowatt hour ang ibabawas sa generation rate dahil sa pagbaba ng presyo ng coal na siyang pangunahing source ng kooperatiba.

Ibig sabihin nito na ang mga kumukonsumo ng 100 kilowatt hour ay makakaasa ng P 33.00 na bawas sa kanilang electric bill.

Umaasa naman si Fedoc na sana’y magtuloy tuloy na ang pagbaba ng presyo ng coal upang bumaba din ang singil sa kuryente.

Sa ngayon, nasa P 16.11 per kilowatt hour ang presyo ng kuryente ng SOCOTECO 1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *