Binata na magpapakalat ng nude photos ng dating kareslasyon, arestado sa entrapment operasyon

NAGA CITY- Kalaboso sa entrapment operation ang isang 29-anyos na binata matapos mag bantang magpapadala ng mga scandalous “nude photos”, mga hubad na larawan sa pamilya ng kaniyang dating karelasyon.

Sa ikinasang operasyon ng Anti Cybercrime Unit sa Barangay Triangulo Naga City , arestado ang binatang si “Nic”, inireklamo ng 38-anyos na ginang na dati nitong karelasyon.

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni PLTCol. Angelo Babagay , na nagpalitan ng mga larawan ang dalawa subalit dumating na sa punto na bina- blackmail na ng suspek ang biktima. Kung hindi mapagbibigyan sa “sex favor” ipapakalat ang larawan. Pumunta ang ginang sa lugar ng tagpuan subalit nakaharap ni “Nic” ang mga pulis.
Itinanggi nito ang mga paratang ng dating karelasyon subalit mahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 11313 in relation to RA 10175 o Gender-Based Online Sexual Harassment. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *