Sorsogon, magiging kauna-unahang lalawigan sa Bicol na magkakaroon ng MRI machine

Plano ng Pamahalaang Panlalawigan na maglagay ng Magnetic Resonanace Imaging o MRI sa Sorsogon Prov’l Hospital.

Kung matutuloy ang nasabing plano, magiging kaunaunahan ang lalawigan sa buong Bicol na magkakaroon ng MRI.

Matatandaan na ang nasabing plano ay inihayag ni Gov. Edwin Hamor sa isinagawang public consultation sa mga empleyado ng pampublikong ospital.

Sa nasabing konsultasyon, naging paksa ang tungkol sa usaping PhilHealth Sharing at pagpapatupad ng libreng dialysis, bukod sa iba pang usapin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *