43 anyos na lalaki, tiklo sa drug buy-bust operation sa Legazpi City

Arestado ang isang 43 anyos na lalaki matapos magpositibo sa isinagawang drug buy-bust operation sa Zone 1, Brgy. Bitano Legazpi City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Noli”, residente ng Poctol, Brgy. Maroroy, Daraga, Albay.

Ayon sa report, hapon nang ikasa ng Legazpi City Police Station (CPS) kasama ang 503rdd Maneuver Company RMFB5 at PDEA ang isang operasyon kontra iligal na droga sa nabanggit na lugar.

Nang magkaabutan na ng drug item ay dito na inaresto ang suspek matapos nitong pagbentahan ang nagpanggap na buyer ng isang knot-tied transparent plastic sachet na naglalamang pinaniniwalaang “shabu” na may timbang na humigit-kumulang sa 25grams na nagkakahalagang PHP175,000.

Narekober sa kanya ang nasabing item at perang ginamit bilang buy-bust money na nagkakahalagang PHP75,000.

Sa ngayon, ang suspek kasama ang narekober na item ay pansamantalang dinala sa nasabing himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *