Security concern at iba pang usapin kaugnay sa nalalapit na Barangay at SK Elections tatalakayin sa isang pagpupulong sa susunod na linggo

CAMARINES NORTE – Isasagawa sa susunod na linggo dito sa bayan ng Daet ang Provincial Joint Security Control Center (PJSCC) Meeting.

Ito ay upang pag usapan ang mga ginagawang paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Elections sa October 30 tulad ng security at iba pang concern.

Gagawin ito sa bayan ng Daet na dadaluhan ng iba’t ibang ahensiya na may kinalaman sa paghahanda sa halalan tulad ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Department of the Interior and Local Government at iba pa.

Kung maalala ay una nang inihayag ng Commission on Elections na karamihan sa mga lugar o bayan sa lalawigan ng Camarines Norte ay nasa “green” category o walang nakikitang bantang panseguridad

Gayunman, sinabi ni Provincial Election Supervisor Atty. Francis Nieves na may mga lugar sa lalawigan ang nasa nasa ilalim ng orange category.

Kapag nasa red at orange category ang isang lugar, nangangahulugan ito na mayroong dati nang records ng election-related conflicts.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *