Stiletto Run ng PNP Bicol at NCPO, tinawag na insulto sa mga kababaehan at LGBTQIA+ Community ng Naga City Council for Women at Kabaro

NAGA CITY –  Insulto at pangungutya sa kababaehan at myembro ng LGBTQIA+ Community, ito ang pahayag ng Naga City Council for Women at ng Kabaro tungkol sa kontrobersyal na programa ng Philippine National Police Bicol, kasama ang Naga City Police Office at Camarines Sur Police Provincial Office, kaugnay ng pagdiriwang ng National Women’s Month kung saan nagsuot ng takong at make up ang ilang mga lalaking pulis at saka tumakbo.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay BJ De Asis, ang Treasurer ng NCCW at kasalukuyang Presidente ng Kabaro, isang LGBTQIA+ Community Group sa City Hall, sinabi niyang bagaman mabuti ang intensyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing programa kung saan kinikilala nila ang kakayahan ng mga kababaehan, ayon sa opisyal  mali ang implementasyon ng mga ito at lumalabas na pangungutya at pang-insulto ito sa kanilang hanay.

Samantala una na ring nagpahayag ang NCPO at CSPPO na hindi pang-iinsulto sa kababaehan ang  layunin ng kanilang programa. Ngunit sa kabila nito, panawagan ngayon ng nasabing women’s group hindi lamang sa mga awtoridad kundi pati na sa publiko,  ang pagrespeto sa kababaehan at myembro ng LGBTQIA+ Community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *