Supply ng kuryente sa Ukraine apektado ng missile strike ng Russia

Kinumpirma ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na walang kuryente ngayon ang 10-million Ukrainians matapos ang bagong bugso ng missile strike ng Russia kung saan pitong tao ang nasawi.

Kaugnay nito, sinabi ni Zelensky na sinusubukan nilang gawin ang lahat para maibalik ang suplay sa lalong madaling panahon.

Inihayag din ni Zelensky na maliban sa mga tumamang missile, anim na cruise missiles at limang drones ng Russia ang napabagsak ng Ukraine air defence.

Matatandaan na noong Huwebes ay pinaulanan din ng Russia ng missile ang Ukraine kung saan tinamaan nito ang ilang energy installations at ibang civilian buildings.

Kabilang sa mga target ng missile ang ang missile factory sa Dnipro habang karamihan sa mga naperwisyo ng kawalan ng kuryente ang mga residente ng Capital City na Kyiv.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *