Supply ng manok, posibleng maapektuhan dahil sa init ng panahon

CAMARINES SUR- Malaki ang posibilidad na maapektuhan ang supply ng manok ngayong matinding init ang nararanasan lalo na kung walang maayos na bentilasyon at nutrisyon ang mga ito.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Engr. Alex Idanan, Municipal Agriculture Officer sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur. Kahit na nga may sapat na supply pa ang bayan sa mga de kalidad na manok, locally produced man o imported galing sa ibang lugar, sinisiguro nila na may kompleto itong bakuna at may maayos na bentilasyon ang kulungan ngayong mainit ang panahon upang maiwasan ang pagkasira at pagkasayang ng mga ito.

Kamakailan lang, sinabi ng United Broiler Raisers Association (UBRA) na ang labis na init ay maaaring makapagpabagal sa paglaki ng mga manok na siyang maging dahilan para kulangin ang supply nito. Maaari ring sumirit ang presyo ng manok kapag nagkataon na bumaba ang supply nito dahil sa mainit na panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *