Supply ng paracetamol, gamot sa trangkaso, ininspeksyon ng DTI 12

KORONADAL CITY- NAGSAGAWA ng inspeksyon at monitoring sa supply at presyo ng paracetamol at mga gamot sa trangkaso ang Department of Trade and Industry o DTI Region 12.

Ito ay alinsunod sa Department of Health- Department of Trade and Industry o DOH-DTI Joint Memorandum Circular No.22-01.

Kabilang sa binisita ng DTI 12 ang mga pharmacy at drug stores sa bayan ng Surallah at Polomolok sa South Cotabato; Isulan sa Sultan Kudarat; Alabel sa Sarangani; at lungsod ng Kidapawan sa North Cotabato at General Santos City.

Sinuri din ng mga ito ang implementasyon ng purchase limit ng paracetamol, phenylephrine hydrochloride, at carbocisteine.

Batay sa monitoring ng ahensya, limitado lamang ang supply ng naturang mga gamot at ang iba ay out of stock pa ngunit inaasahan namang agad na malalagyan muli.

Samantala, maliban sa mga gamot, nagsagawa din ng monitoring ang DTI sa 18 mga business establishments sa General Santos City at Saranggani kung saan ininspeksyon ang compliance ng mga ito sa requirements ng Bureau of Philippine Standards (BPS) product certification scheme.

Kabilang sa monitoring ang mga construction materials, electrical wires & devices, at mga household appliances.

Lahat ng mga produkto na ininspeksyon ay may BPS required markings at walang nadiskubreng mga mga uncertified products.

Nanawagan naman ang DTI 12 sa mga establisemento na magbenta lamang ng mga BPS-certified products upang masiguro ang kaligtasan ng mga consumers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *