Pagkaantala ng operasyon ng dialysis center ng So.Cot, ipinaliwanag

KORONADAL CITY- NAGPALIWANAG si Dr. Conrado Braña, chief ng South Cotabato Provincial Hospital (SCPH) kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa operational ang Dialysis Treatment Center ng lalawigan.

Ayon kay Braña na nagpapatuloy ang kanilang processing at pag-comply sa mga kailangang requirements upang mabigyan ng lisensya at permit ang naturang pasilidad.

Inihayag ng opisyal na natagalan sila sa pagkuha ng building permit at pag-comply sa manpower na itinakda ng Philippine Society of Nephrologist lalo na’t limitado ang mga nephrologist sa rehiyon na dapat mamahala sa dialysis center.

Kasalukuyan ding inaayos ang upgrading ng electrical lines sa provincial hospital at supply ng tubig.
Sa ngayon, wala pang pinal na petsa kung kailan mabubuksan at makakapagsimula ng operasyon ang nasabing dialysis center.

Matatandaan na naglaan ang provincial government ng P 1.3 million para sa construction ng dialysis center building sa compound ng provincial hospital at P 10 million sa pagbili ng 10 mga dialysis machines at iba pang equipment.

Ang mga machine ay dumating na noon pang nakaraang taon.
Oras na maging operational, magiging libre na ang pagpapa-dialysis nga mga mahihirap na pasyente sa South Cotabato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *