Surfing coach proud pa rin sa kabila ng pagkabigo ng teenage surfer sa qualifying game para sa Tokyo Olympics

SORSOGON CITY – Hindi man pinalad sa qualifying games sa El Salvador para sa Tokyo Olympics 2021 matapos mabigo sa ikatlong heats, buong pagmamalaki pa ring pinuri ng kanyang surfing coach si Vea Estrellado.

Sa panayam ng Brigada News Fm Sorsogon kay Surfing Coach Bidge Villaroya, sinabi nito na labis ang kanyang paghanga sa determinasyon ng teenage surfer mula sa bayan ng Gubat na sa kabila ng mga hamon at hirap sa kompetisyon ay hindi umano ito ininda ng atleta at patuloy na lumaban.

Aniya, naglalakihang alon ang sinuong ng nasabing atleta kung saan nakaranas ito ng injury subalit nanatili umano itong determinado.

Sinabi pa nito na nabigo man ito sa nasabing kompetisyon, mananatili silang proud para sa nasabing surfer.

Matatandaan ang 17-anyos na tubong Gubat, Sorsogon na si Estrellado ang nag-iisang Bicolano na kasama sa mga sumabak sa qualifying surfing competition para sa 2021 Tokyo Olympics.

PHOTO: grabbed from Bidge Villaroya fb account

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *