Construction worker, tiklo sa drug buy-bust ops kan Daraga PNP

LEGAZPI CITY – Tiklo ang ang isang construction worker sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 4, Brgy. Tagas, bayan ng Daraga, Albay.

Kinilala ang suspek na si Ryan Alzaga Valladolid, 35 anyos at residente ng Sitio Tagontong, Brgy. Taysan, lungsod ng Legazpi.

Ayon sa Daraga MPS, pinagbentahan nito ang poseur buyer ng isang pirasong pinaniniwalaang shabu, at nakumpiska pa ang P2,000 na ginamit bilang buy-bust money.

Maliban dito, narekober sa kanya ang tatlo pang piraso ng hinihinalaang shabu na nagkakahalagang P13, 600 at iba pa.

Nakatakas din ang isang hindi nakilalang lalaki na kasama nito sakay ng motorsiklo patungong Duterte highway.

Samantala, inamin din ng suspek na dati siyang gumagamit ng droga at sa ngayon ay hawak na ng Daraga PNP para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *