Tatlo patay, anim sugatan sa jeep na nahulog sa creek sa Macalelon, Quezon

Patay ang tatlong katao habang anim naman ang nasugatan matapos mahulog ang isang jeep sa creek sa Sitio Matalhan, Barangay San Nicolas, Macalelon, Quezon nitong Sabado, Abril 1.

Ayon sa report, binabagtas noon ng jeep, na naglalaman ng mga buko at kung saan nakalulan ang mga pasahero, ang kalsada sa naturang barangay.

Nawalan umano ng kontrol ang driver ng jeep nang sumapit ito sa pababang bahagi ng naturang kalsada na nagresulta sa pgakakahulog nito sa creek.

Dahil dito, dead on the spot ang dalawang menor de edad habang isinugod naman sa hospital ang pitong (7) mga biktima ngunit idineklara ring dead on arrival ang isa pa.

Kasalukuyan ng nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *