Rare giant spider, nadiskubre sa Australia

Nadiskubre ng mga researchers ang maituturing na higante ang bihirang uri ng gagamba sa Queensland, Australia.

Ayon sa Queensland Museum, ang colorful at rare spider na ito ay tinawag na Euoplos dignita.

Ang golden trapdoor spider na ito ay mala-tarantula ang itsura na kabilang sa genus Euoplos.

Una itong nadiskubre noong 20th century ngunit kakaunti pa lamang ang research hinggil sa higanteng gagamba.

Ayon kay Michael Rix, principal curator ng arachnology sa Queensland Museum Network, layunin ng kanilang pag-aaral ngayon na magkaroon ng datus at documentation sa pambihirang species na ito.

Marami umano silang koleksyon ng Euoplos dignita specimens na gagamba ngunit ang bagong diskubre na species na ito ang kakaiba.

Dagdag pa nito na ang gagambang ito ay kailangang maprotektahan para hindi tuluyang mawala sa mundo at makita pa ng mga susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *