Teachers – umapela na babaan ang retirement age

Mas maagang pagreretiro, ito ang panawagan ng mga kaguruan sa kasagsagan ng pagdiriwang ng World Teachers Month ngayong Setyembre.

Sa isang motorcade na dinaluhan ng daang-daang teacher sa Mandaluyong kahapon ay ipinarating ng ilang public teachers ang kanilang dalangin na sana ibaba sa Age 57 ang edad ng pagreretiro ng mga guro sa kasalukuyang 60.

Nais umano ng mga maestro at maestra na maenjoy pa ang kanilang pagreretiro habang malakas pa.

Bukod sa nasabing kahilingan, muli rin ipinanawagan ng mga guro ang pagtaas sa kanilang sahod, pagbabawas ng kanilang oras ng trabaho kagaya ng mga admin task , pagtaas ng kanilang mga benepisyong medikal, at pagbibigay sa kanila ng hazard pay, at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *