Teenage pregnancy sa rehiyong Bicol tumataas ayon sa PopCom Bicol; pinakabatang nanganak, 10 taong gulang lamang

Tumataas ang datos ng teenage pregnancy sa rehiyong Bicol, ito ang kinumpirma ni Commission on Population (POPCOM) Bicol Population Program Officer IV Josephine Chua sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon.

Ayon dito, batay umano sa datos mula sa Civil Registration Statistics Data ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay lumabas na noong taong 2019 ay mayroong mga kabataang edad 10 hanggang 14 na taong gulang ang nanganganak kada apat na araw.

Binanggit din ng opisyal na sa taong 2020 ay mayroong isang 11 taong gulang, isang 12 taong gulang at apat na 13 taong gulang ang nanganak mula sa lalawigan ng Camarines Sur.

Aniya pa, sa kaparehong taon din umano ay nakapagtala din ang mga lalawigan ng Albay, Camarines Norte, at Catanduanes ng tig-iisangĀ  nanganak sa edad na 13 taong gulang habangĀ  dalawa naman sa Masbate. Samantala, walong kabataang nanganak sa edad na 14 na taong gulang ang naitala naman sa Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *