Temporary protection order ng SC sa kina Tamano at Castro, pinababawi

Pinababawi ng ilang opisyal ng gobyerno sa Korte Suprema ang temporary protection order na inilabas nito para sa mga aktibistang sina Jhed Tamano at Jonila Castro.

Sina Tamano at Castro ay kapwa mge environment activist na nahaharap ngayon sa kasong grave oral defamation.

Una nang napaulat ang pagsuko ng dalawa sa mga otoridad at inakusahan nila ng pandurukot, pananakit at pananakot ang mga military nang humarap sila sa isang press conference na inorganisa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General ay naghain ng apela ang mga petitioners sa Korte Suprema na i-recall ang protection order na ito kina Tamano at Castro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *