TNT, nakakuha na ng 1-0 sa semifinals, matapos ang 108-96 win vs Magnolia

Pinayuko ng TNT Tropang Giga ang Magnolia Hotsshots 108-96 para makuha ang unang panalo sa PBA Philippine Cup semifinals series.

Pinangunahan ang laro ni Mikey Williams, na reigning Rookie of the Year, na nagtala ng 26 points habang mayroong 23 points si Roger Pogoy at nag-ambag ng 17 points si Glenn Khobunton.

Mababatid na 24 point na ang lamang ng Tropang GIGA bago mapigilan ang last-ditch rally ng Hotshots para makuha ang 1-0 lead sa best-of-seven series.

Si Williams ay ang Finals MVP, nang matalo ng TNT ang Magnolia sa last season ng All-Filipino Cup finals, at pinulot ng Fil-Am guard kung anu ang naiwan niya sa naturang series.

Samantala, binigyang diin naman ni  TNT coach Chot Reyes, na isang panalo pa lamang ito, at naghahanda pa umano sila para sa mahabang series.

Giit ni Reyes, umiiskor man ng mataas o hindi, ang kanilang focus talaga ay makakuha ng good shots.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *