Tourist arrival sa Bulusan umaabot na sa 60,000; turismo, nasa recovery period pa rin

Kinumpirma ng Municipal Tourism Office (MTO) Bulusan na hindi pa 100% ang operasyon ng kanilang mga tourist destinations parktikular ang Bulusan Lake at Bulusan Natural Park na popular sa kanilang bayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Municipal Tourism Officer Veronica Gallanosa, sinabi nito na patuloy parin ang ginagawang development sa naturang lugar matapos na mahinto ang proyektong renovation at rehabilitation nito nitong kasagsagan ng pandemya.

Aniya, ilang bahagi palang ng Bulusan Natural Park ang bukas para sa turismo ngunit kung babasehan naman ang tourists arrival ay nakakapagtala na sila ng nasa 60,000 nito lamang nakatalikod na buwan kung kaya’t kaunti na lamang ang kanilang hahabulin mula sa humigit kumulang 75,000 tourists arrivial noong 2019, bago pumutok ang pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *