TPLEX extension project, aprub sa NEDA board

Aprubado na ng National Economic and Development Authority board ang

TPLEX o Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway extension project.

Sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, plano nilang makumpleto ang  dagdag na 59.4 four-lane extension highway sa loob ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nagkakahalaga ng 23.4 billion pesos ang proyekto at inaasahang magpapabuti  ito ng access ng publiko at economic activities mula  Ilocos Region, Central Luzon, at Metro Manila.

Sa ngayon, may kabuuang 194 na mga proyekto ang nakalinya sa ilalim ng administrasyong Marcos. Sa bilang na ito, 86 ang on going ang konstraskyon habang 9 naman ang naghihintay ng pag-apruba ng NEDA board.

Inaasahan ni Balisacan na ilan sa 9 na proyektong ito ay maaaprubahan ni Pangulong Marcos bago ang SONA sa July 24.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *