Transport at iba pang commodities nakapagtala pa rin ng increase sa Price index noong Abril

CAMARINES NORTE- Nakapagtala  ng increase sa price index ang ilang commodities sa lalawigan ng Camarines Norte noong Abril.

Batay ito sa inilabas na Special Release report ng Philippine Statistics Authority (PSA) for all Income Household sa Camarines Norte sa nabanggit na buwan.

Tulad noong Marso, nanguguna pa rin ang transport sa nakapagtala ng increase price index na may 1. 72 percent change, gayundin ang pabahay, tubig, kuryente, gasolina at iba pang fuels na may 0. 53 percent change.

Naging dahilan din ng pagtaas ng inflation ang Alcoholic  Beverages and Tobacco at ang Clothing and Footwear.

Sa kabilang dako, stable naman ang price index sa Food and Non- alcoholic beverages, Education Services, Information and Communication, Recreation and Culture, Restaurant and Accommodation Services, Financial Services, Personal Care and Miscellaneous Goods and Services.

Stable din ang price index sa  Health at Furnishings Household Equipment and Routine Maintenance of the House.

Walang naitalang commodities na nakapagtala ng “downtrend” ng price index sa nabanggit na panahon.

Dahil dito naitala sa 0. 87 ang purchasing power of the peso sa lalawigan ng Camarines Norte noong Abril.

Ibig sabihin ang halaga ng piso noong 2018 ay 87 sentimos na lang noong Abril.

Nangangahulugan ito na kakailanganin ng consumer ang P115. 60 para mabili ang parehong dami ng halaga ng produkto at serbisyo noong 2018.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *