Tsuper, nag-sabit ng mga abaniko para sa mga pasahero upang maibisan ang init

Sa init ng panahon ngayon, minsan ay mapapa-taxi ka na lang para makapag palamig kahit saglit.

Pero kung ika’y naiinitan sa byahe, lalo na pag sumasakay ka sa jeep, ibahin mo ang isang ito.

Kahit kasi na walang built-in aircon ang jeep ay gumawa ng solusyon ang tsuper na si Jonathan Borja mula sa Naga City.

Ikinatuwa ng mga netizens na may nakasabit ng pamaypay na abaniko sa hawakan ng jeep, na handang maibsan ang init sa byahe.

Libre din itong gamitin lalo na kapag ika’y napasakay sa jeep na ito dahil layunin lamang ng tsuper na makapagbigay ng ginhawa sa kanyang mga pasahero kahit sandali lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *