Tulong pinansyal inihatid ng NCPO sa pulis na nasawi sa shoot out sa Naga

NAGA CITY – Personal na inihatid nang ilang opisyal ng Naga City Police Office ang nalikom na tulong pinansyal sa pamilya ni Patrolman Ronnie Revereza, ang pulis na binaril-patay sa Shoot-out lungsod ng Naga ng nagdaaang linggo.

Pinangunahan ni NCPO City Director PCOL. Nelson Pacalso ang grupo at maagang tumulak papuntang Nabua Camarines Sur.

Ayon kay PCol. Pacalso, simula noonng nasa pagamutan pa si Patrolman Revereza ay naka-alalay na ang NCPO sa pamilya nito.

Matatandaan na binisita din sa ospital ni PNP Regional Director PBGEN. Westrimundo Obinque ang pulis at nagbigay din ng tulong pinansyal dahil sa may kalakihan ang Hospital bills nito.

Samantala, napag alaman naman ng BNFM Naga na pangatlo sa 9 na magkakapatid ang yumaong pulis.

Kinilala ng Police Regional Office 5 ang naging kabayanihan ni Patrolman Revereza na nagbuwis ng buhay habang ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin. Sa araw na Martes, Hulyo 18, 2023 ang nakatakdang libing ni Patrolman Revereza sa isang pribadong semeteryo sa Nabua Camarines Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *