P34K halaga ng shabu at baril, nasamsam sa buy bust operation sa Laguna

Umaabot sa mahigit 34,000 pesos na halaga ng pinaniniwalaang shabu at baril ang nakumpiska ng mga otoridad mula sa isang tulak umano ng iligal na droga sa ikinasang buy bust operation sa Sta. Cruz, Laguna.

Kinilala ni Police Colonel Harold P. Depositar, Officer-in-Charge, Laguna PPO ang suspek na si alyas “Anthony” residente ng Pagsanjan, Laguna.

Ayon sa report ng Santa Cruz Municipal Police Station, pasado alas-11:00 ng gabi nitong Hulyo 10 nang ilunsad ang operasyon sa Sitio Maligaya, Brgy. Pagsawitan sa Santa Cruz, kung saan nakumpiska sa suspek ang apat na plastic sachet ng hinihinalang Shabu na may timbang na aabot sa 5 gramo.

Tinatayang umaabot ang halaga nito sa humigit kumulang Php34,500.00.

Matapos kapkapan ay nakuha rin mula sa suspek ang sling bag na naglalaman ng isang kalibre 38 na baril at mga bala.

Nasa kustodiya na ng Santa Cruz MPS ang naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002” at RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *