DOJ, target na mapalaya ang nasa 5,000 inmates sa June 2023

Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na dine-decentralize ng Department of Justice (DOJ) ang congested na prison system, at target na mapalaya ang 5,000 inmates sa June 2023.

Sa talumpati ni Remulla sa United Nations (UN) Human Rights Council session, sinabi nitong personally umano siyang committed na ipagpatuloy ang regular na pagpapalaya.

Sinariwa ng Justice Secretary na mayroong 371 persons deprived of liberty (PDLs), na karamihan umano sa kanila ay nagsilbi na ng kanilang sentensya ay napalaya na noong Setyembre.

Matatandaan na noong nakaraang buwan nang mapalaya ang 191 PDLs mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa, 37 mula sa Correctional Institution for Women in Mandaluyong, at 143 mula sa iba pang prisons at penal farms sa bansa.

Ayon kay Remulla, mahigpit na nakikipagtulungan ang DOJ sa Department of Interior and Local Government at sa Supreme Court sa pamamagitan ng Justice Sector Coordinating Council.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *