Underwear ni Michael Jordan, pinapa auction mula $500

Mahilig ka bang mangolekta ng mga memorabilia o magtago ng gamit na pinaglumaan na? Ang mga taong tulad mo ay hindi nakatingin sa monetary value kundi sa sentimental value ng isang bagay.

Kung isa kang NBA fan, pagkakataon mo na ito dahil bukas na para sa auction ang isa sa mga ginamit na underwear ng sikat na basketbolistang si Michael Jordan.

Yan ay kung kakayanin mo ang presyo nito. Ayon sa sports memorabilia website na Lelands, bukas ang bidding mula $500 o katumbas ng halos P25,000 pataas.

Ayon sa Lelands, mababakas sa ibibentang underwear ang konting himulmol, patunay na ito ay ginamit ng legendary Chicago Bulls player.

Nasa pag-iingat ito ngayon ng dating security guard ng retiradong basketbolista na si John Michael Wozniak.

Ayon sa Lelands, ibinigay ni Jordan kay Wozniak ang nasabing underwear kasama ng iba pang mga gamit gaya ng suits, ties, belts at jackets na mga dati ring isinuot ng NBA legend.

Magsasara ang auction sa Setyembre 25.### || Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *