US Army helicopters, nagsagawa ng live-fire drills sa South Korea

Nagsawa ang US Army Apache attack helicopters na naka-station sa South Korea ng live-fire drills na gamit ang mga baril at rockets.

Ang naturang drills ay ang kauna-unahan simula noong 2019, matapos ang record-breaking blitz ng weapons na tenest ng Pyongyang ngayong taon, kabilang na ang pagpapaputok sa intercontinental ballistic missile sa full range, sa kauna-unahang pagkakataon simula noong 2017.

Ang naturang pagsasanay na magtatagal hanggang sa July 29, ay isinasagawa sa Rodriguez Live Fire Complex, na malapit sa heavily-fortified Demilitarized Zone (DMZ) sa pagitan ng North at South Kore.

Ayon sa tagapagsalita ng US 2nd Infantry Division, na tinitiyak sa drills na ang US air crews ay kwalipikado sa kanilang Apaches, naipapanatili ang kanilang proficiency sa kanilang helicopters, at capable na magsagawa ng kanilang mission kung kakailanganin.

Batay sa mga ulat, na noong 2018, pinigilan ang US military na gumamit ng Rodriguez Live Fire Complex sa Pocheon, dahil sa mga reklmao mula sa mga residente dahil sa ingat at seguridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *