US kinumpirmang 10 sibilyan ang namatay sa isinagawang drone strike sa Afghanistan

Kinumpirma ng America na sampung inosenteng sibilyan ang nasawi sa drone strike sa Kabul ilang araw baho ang military pullout nito.

Ayon sa US Central Command investigation, isang aid worker at siyam na miyembro ng pamilya nito kabilang ang pitong bata ang nasawi sa August 29 strike.

Napag-alaman na ang nasabing strike ang isa sa mga huling aktibidad ng US military sa Afghanistan bago ito tuluyang wakasan ang 20-year operation nito sa nasabing bansa.

Sinabi ni US Central Command Gen. Kenneth McKenzie na walong oras ding sinubaybayan ng US Intelligence ang nasawing aid worker dahil sa pag-aakalang may kaugnayan ito sa IS-K militants na isang local branch ng Islamic State.

Nakita daw kasi ang sasakyan nito sa compound na sinasabing may kaugnayan sa IS-K kung saan nakita sa drone na may mga lalaking may isinasakay na tila mga pampasabog pero napag-alamang mga container pala ito ng tubig.

Tinukoy ni McKenzie ang strike bilang “tragic mistake” kasabay ng paglilinaw na hindi sangkot sa intelligence ang Taliban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *