US Police tinitingnan ang anggulong selos sa pamamaril noong Lunar New Year sa California

Selos o personal na pagtatalo ang tinitingnan ngayong anggulo ng US police sa pamamaril ng isang matandang Asian immigrant sa 11 katao habang ipinagdiriwang ang Lunar New Year sa isang dance hall sa California.

Ang suspek na nakilalang si Huu Can Tran ay gumamit ng semi-automatic pistol sa Los Angeles suburb ng Monterey Park noong Sabado ng gabi.

Pagkatapos ay nagtungo pa siya sa isa pang dance studio kung saan sinabi ng pulisya na ang mabilis na pagkilos lamang ng isang binata na nakipag agawan sa kanya ng kanyang baril ang pumigil para ulitin nito ang insidente

Makalipas ang ilang oras, binaril ni Tran ang kanyang sarili matapos na matagpuan ng mga pulis ang kanyang puting van.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *