US President Biden, nananatiling fit to work para sa susunod na termino

Nananatiling “fit for duty” si US President Joe Biden ayon sa kanyang mga doktor para sa pagtakbo niya muli sa pagka presidente sa darating na eleksyon.

Saad ni White House doctor Kevin O’Connor, walang problema sa kalusugang ng Presidente at hindi dapat ito ikabahala ng publiko.

Dumating ang anunsyo matapos ang kanyang huling medical check-up sa Walter Reed military medical center na layuning linawin ang kanyang kalusugan.

Pangunahing isyu kasi ng mga botante ang edad ni President Biden dahil 81-anyos na ito, at sinasabing masyado na raw siyang matanda at makakalimutin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *