Vaccination, nanatiling top priority sa PBA habang pinaplano ang pagbubukas ng susunod na season

Nanatiling top priority para sa PBA ang vaccination sa gitna ng pagpaplano ng liga para opening ng bago nitong season.

Sinabi ni PBA vice-chair Bobby Rosales sa isang virtual press conference na napag-usapan nila sa board na kailangan ay mabakunahan na ang lahat ng mga bumubuo sa liga.

Ayon kay Rosales, ang vaccination ay ang kanilang pangunahing layunin dahil naniniwala sila na mas magiging madali para sa IATF na pahintulutan ang pagbubukas ng season kung mababakunahan na ang lahat.

Pero Ipinunto ni Rosales na patuloy nilang hihintayin ang iba pang protocols na hihingiin ng IATF mula sa PBA, kahit pa mabakunahan na ang lahay ng miyembro ng liga.

Hindi naman naniniwala si Rosales, na nagsisilbi rin bilang team governor ng Terrafirma, na magiging problema ang suplay sa bakuna, lalo na at nangako ang mga business conglomerates na nagmamay-ari sa mga PBA teams na mamahagi sila ng bakuna sa liga.

Nakikipagsundo na rin si PBA commissioner Willie Marcial sa Philippine Red Cross para sa karagdagang supply.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *