Wages board, pinag-aaralan nang husto ang hiling na 330 pesos na omento sa sahod ng mga taga Central Luzon

Pinag-aaralan ng husto ng Regional Tripartite Wages And Productivity Board ang hiling ng labor group na dagdagan ng 330 pesos ang arawang kita ng mga manggagawa sa Central Luzon.

Ito ay dahil sa posiblilidad na hindi kayanin ng mga maliliit na negosyo ang biglaan at malaking omento sa sahod ng mga empleyado lalo na ngayong maraming kompanya ang nakaranas ng pagkalugi.

Ayon kay DOLE Regional Dir.Geraldine Panlilio, bukod dito,inaalam din ng board kung sapat na nga bang dahilan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo gayong di pa naman tumaas ang halaga ng maraming bilihin.

Paglilinaw ng DOLE, hindi maaring pagbigyan ang hiling ng mga obrero kung ang kapalit nito ay tuluyang pagsasara ng mga negosyo na magreresulta sa kawalan ng trabaho.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Ang Heartburn ay isang sintomas ng Acid Reflux. Ito ay isang kondisyon na kung saan ang pagkaing naka imbak sa tiyan ay umaakyat sa esophagus 。 food pipe na umilikha ng "burning pain" iyong lower chest. sa Power Cells 6IN Salabat Herbal ×25Sachets isang sachet a day, tiyak na giginhawa ka all day! Power Cells Salabat Herbal Mix Ginger Brew SHOP NOW! Lazada ww.aaan-tn www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *