Online teacher, arestado sa kasong qualified theft sa Cauayan City; P10.5-M, inirekomendang pyansa ng korte

Arestado ang isang online teacher matapos isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest sa kasong qualified theft laban sa kaniya sa Brgy. Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.

Ang akusado ay kinilalang si Rlynn Marchan, 33-anyos, single at residente sa nabanggit na barangay.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLt. Scarlette Topinio, ang tagapagsalita ng PNP Cauayan, ang naturang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib-pwersa ng Cauayan City Police Station, CIDG-Regional Field Unit 2 at Isabela PFU.

Batay sa warrant of arrest na galing sa RTC Branch 145 Makati City na inilabas ni Judge Karen Matti Sy, si Marchan ay mayroong kasong 89 counts ng Qualified Theft may kaugnayan sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. 

Ayon kay PLt. Topinio, nagtatrabaho ang akusado sa isang company sa Makati City sa HR Operation kung saan ang naturang kumpaniya rin ang nagsampa ng kaso laban kay Marchan.

Samantala, nasa 10.5 million pesos ang inirekomendang pyansa ng hukuman para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay nasa pansamantalang nasa kustodiya ng PNP Cauayan City si Marchan para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang akusado kaugnay sa kanyang kinakaharap na kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *