Watchman na nakulong na dati dahil sa droga, nahuli ulit sa buy bust

Arestado ang isang watchman ng LGU Española ngayong umaga ng Huwebes sa Barangay Pulot Center, Sofronio Española.

Kinilala ito na si Remie Arano Gulios alyas “Bembol” na napabilang sa Priority High Value Individual.

Ang suspek ay agad hinuli ng Provincial Drug Enforcement Team sa pangunguna ni PMAJ. Romerico Remo at nakuha mula rito ang limang ( 5 ) sachet na mayroong suspected shabu.

Maliban pa ito sa nabili sa kanya ng operatiba na isang ( 1 ) sachet sa halagang P2, 500.00.

Dati na umanong nakulong ang suspek sa kaparehong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022, ayon pa kay PMAJ. Remo.

Samantala, itinanggi ng suspek na sa kanya ang mga nakumpiskang ebidensya at sinabi pa nitong nagbago na siya mula nang siya’y makalaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *