Mga day care workers sa So.Cot, may increase sa honorarium sa 2023

KORONADAL CITY- MAKAKATANGGAP ng increase sa honorarium ang mga day care workers sa lalawigan ng South Cotabato sa susunod na taon.

Ito ang inanunsyo ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr sa harap ng mga day care workers na dumalo sa isinagawang State of the Children’s Address o SOChA na bahagi ng 2022 Provincial Children’s Congress.

Ayon kay Tamayo na ang mga accredited day care workers ay makatanggap na simula sa 2023 ng maximum na P 3,000 na honorarium, habang P 1,000 naman sa mga hindi pa accredited.

Ito ay mas mataas kumpara sa kasalukuyang tinatanggap ng mga ito na P 400 na honorarium.
Ang South Cotabato ay mayroong 115 na mga accredited day care centers at workers.

Maglalaan din aniya ng pondo ang lalawigan para sa construction ng 11 mga Early Childhood Care and Development o ECCD center kada taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *