World leaders itinanggi ang kaugnayan sa lumabas na Pandora papers

Itinanggi ng ilang world leaders ang kanilang kaugnayan sa leak ng financial documents mula sa offshore companies na tinawag na Pandora papers.

Sinabi nina Russian President Vladimir Putin at Jordan King Abdullah II bin Al-Hussein na wala silang ginagawang masama.

Ipinaliwanag ng royal palace ng Jordan na hindi “proper” na magkaroon ng ari-arian sa ibang bansa si King Abdullah.

Nakasaad kasi sa leaked document na palihim na bumili ng $100 million property empire sa United Kingdom at US simula nang manungkulan ito noong 1999 ang Hari.

Inihayag naman ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na wala silang nakitang tagong yaman si Putin at ng inner circle nito.

Kinuwestiyon din ni Peskov ang reliability ng “unsubstantiated information” na sinasabing 12 million files.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *